Welcome South Forbes


  My dear Kababayan,

Edwin J. BabianoWelcome to Cathay Land! Kumusta na kayong lahat? Sana ay hindi ko kayo naaabala sa mga sandaling ito. May gusto lang akong sabihin… sa inyong lahat na mga Pinoy na nasa iba’t ibang sulok ng mundo.

Gusto kong sabihin sa inyo na naiintindihan ko ang mga hirap na pinagdadaanan ninyo sa ibang bansa. Ang pagkakalayo ninyo sa mga mahal sa buhay, ang mga pagtitipid na kailangan ninyong gawin upang makaipon, ang pagtitiis ninyo sa hirap ng trabaho, pakikisama sa mga taong hindi natin kalahi, ang lamig at init, ang lungkot, ay magbubunga rin ng ginhawa balang araw.

Pasasaan din ba ang lahat kundi sa mga masasayang araw ng inyong pagbabalik sa lupang tinubuan.

Alam ko na ang mga sakripisyo ninyo ngayon ay bunga ng isang malalim na ambisyon. Ang ambisyong ito ay ang nagtulak sa inyo papunta diyan. At ang ambisyong ito ay ang nagpapalakas sa inyo araw-araw. And walang humpay nating pagnanasa na makaahon sa kahirapan, pagpapaaral sa mga mahal sa buhay, magkaroon ng magaan na buhay sa ating pagtanda, pagtulong sa kapwa at magarang tirahan ay ang mga adhikain ninyo na hindi maaaring ipag-walang bahala. Kayo lang ang makalulutas nito.

Ngunit ang ambisyon ninyo na makapag pundar ng bahay at lupa ay maaari nating pag usapan. Dito kita maaaring tulungan.

Alam kong naghahanap kayo ng matinong kumpanya ng real estate, magandang project, magandang location, maayos ang seguridad, mapayapa, sariwang hangin, maayos na komunidad, at maipagmamalaki ninyo sa mga mahal ninyo sa buhay.

Sa puntong ito, hayaan ninyo akong lutasin ang suliranin na ito. Ito ay ang paghanap ng bahay na ipagyayabang ninyo. Ipagbunyi ninyo ang inyong kakayahan na bumuo ng mas matibay na tahanan ngayon, dahil kayang-kaya na ninyo. Tutulungan ko kayo sa pagbili ninyo ng bahay maliit man o malaki. Ang mga bahay ng Cathay Land ay maipagmamalaki ninyo. Ito ang bubuo sa inyong mga pangarap. Ito ang inyong magiging panghabang buhay na luklukan. Ito ang magsasabi sa lahat ng Pinoy kung gaano kayo katagumpay.

Sa ganda ng mga proyekto ng Cathay Land, hindi ako mapapahiya. Sa laki ng kumpanyang ito at sa karanasan nito sa real estate, nabibigyan ko kayo ng sandalan sa inyong pagtanda.

Hinahangaan ko ang inyong kakayahan, pagpupunyagi at kabayanihan! Mabuhay kayong lahat! Ang inyong Kababayan,

EDWIN J. BABIANO
Vice-President
International Sales Cathay Land, Inc.
0063-9195334348


One project that captures all investors' aspirations is South Forbes Golf City in the Metro Sta. Rosa-Tagaytay growth corridor. Its prime location and cool climate make it an ideal home.

Read more about South Forbes



SOUTH FORBES WORLD CLASS PROJECTS


Phuket Mansions
| Golf View Terraces | Mediterranean Villas | Bali Mansions | Miami

Sentosa Heights | Chateaux de Paris | Tokyo Mansions | Scandia Suites | Nirwana Bali Mansions


OTHER PROJECTS

Mallorca Villas




South Forbes Vicinity Map

Champion Location: South Forbes' proximity to top schools, commercial centers, and technoparks in Metro Sta. Rosa, Laguna, makes it a blue chip investment.


South Forbes Vicinity Map


OTHER PROJECTS

Mallorca Villas






South Forbes Latest Projects
South Forbes Chateaux de Paris




South Forbes Tokyo Mansions

South Forbes Tokyo Mansions

South Forbes Chateaux de Paris

OTHER PROJECT

Mallorca Villas

South Forbes Inquuire Now

South Forbes International Property Awards
Copyright © 2010. South Forbes Golf City | Cathay Land Incorporated. All Rights Reserved